PILIPINAS at ang Kinabukasan
September 15, 2009Nais ko lamang ishare ang kwentong ito na aking nareceive through e-mail galing sa isang kaibigan. Kahit na hindi direktang sinasabi sa kwentoIto, ito ay tumatalakay sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa .
Sana’y sa tulong ng kwentong ito kahit papaano ay magising ang mga natutulog na damdaming makapilipino ng iba nating mga kababayan na nawalan na ng pag-asa sa ating bansa…
(wag po sanang ma-offend sa titulo ng kwento… tnx)
ISTORYA NG PUTA…
Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako.
Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang
pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon.
Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko
nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang
kinabukasan ko.
Halika at makinig ka muna sa kwento ko.
Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto,
naakit. Sikat ka sa lahat, virgin eh! Tinanggap ko
naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago?
Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di
sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong
malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko,
na-rape daw ako?
Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang
di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang
mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan
nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon
at Kastilaloy. Kase, ibang-iba ang hagod niya.
Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako.
Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya
ako at ang mga naging anak ko.
Parating ang dami naming regalo - may chocolates,
yosi, at ano ka… may datung pa! Nakakabaliw siya,
alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman
ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan
mag-Ingles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!
Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko,
siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, lahat ng
bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa
buhay namin. Sosyal na sosyal kami.
Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa
kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin,
yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng
I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan
ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na
ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa
tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero
ang hirap magsimula.
Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na
naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa
utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa
mga inutang namin.
Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin.
Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak
ko. Yung iba nag-US, Europe. Yung iba ayaw umalis
sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw
sa piling ko, maski amoy usok ako.
Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang
kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na
namamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko
para sa punyetang kinabukasan naming lahat.
Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa
hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami
sa ginhawa at sarap.
Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang
tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na
malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging
kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga
anak ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw
ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at
pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.
Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko
sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi
ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang
sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.
Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May
nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase
ang isang magandang tulad ko.
Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa
kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki
pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang
mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka
di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong
mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang
ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak
ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa
kanila.
Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda
pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin.
Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang
mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko.
Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan.
Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit
saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin.
Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila,
kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.
Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit
sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga
ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa
isa’t isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan
pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang
sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa
akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado
silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa
pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala
ang sarili ko.
Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako
ng mga anak ko. Ilang buwan pa, magbabagong taon
na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa
lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng
ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa
akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw:
”INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!”
Salamat ha, pinakinggan mo ako.
Ay sorry, di ko pala nasabi….
PILIPINAS nga pala pangalan ko!
Previous Comments
Syet… Ilang beses akong napa-P****ng Ina habang binabasa ko ito.
Wow. Sino kaya ang sumulat nito? Magaling. Napakahusay niyang nailarawan ang kalagayan ng ating Inang Bayang Pilipinas…
So true… Isang puta. PUTA!
Hay… Kelan ba tayo mamumulat na mga anak Niya?…
Ummm… Kopyahin ko po ito, ha? Maaari kaya? Upang aking maikalat, maibahagi rin sa iba? Salamat.
Posted by xdalisayx at September 20, 2009, 6:02 pmStill pandering on your hunger for a true sense of NATIONALISM.
If you wish to get updates on the upcoming “Minsan may Isang Puta” short film entry by Urban Tribe’s Sarah Roxas @ the “Ganap na Babae”-search for the NEW WOMAN Director, you are most welcome to join us - HERE’s TO A BETTER PHILIPPINES!
JOIN US > http://www.facebook.com/pages/Minsan-may-Isang-Puta/359475606984?v=wall
“Minsan may Isang Puta” was originally published in April 30, 2004 @ Peyups.com and at 2010, it is still finding it’s way to blog sites, fora, search engines and now on film.
Posted by Mike Portes at March 9, 2010, 10:08 amAdd a comment



Ang ating bansa ay katulad ng isang ina. Kumakandili, nagmamahal, nagtataguyod.
Hahanap ng paraan para magsakripisyo para sa ikabubuti ng kalagayan ng kanyang mga anak.
Tayong anak pagkatapos masuso at tumalinong mga bata, tayo pa ang magsasadlak sa kaniyang pagkakalugmok.
Hindi naman lahat pero isa na siguro ako sa nakakalimot na magmahal sa ating bansa.
Posted by J.Kulisap at September 19, 2009, 4:08 pm