Home » Post Item » Kaisipang pang-araw araw sa buhay ng isang musmos

Kaisipang pang-araw araw sa buhay ng isang musmos

March 20, 2010

Tinanong ako ng kuya ko kung magkano ang damit na suot suot ko.  Sabi ko 300 pesos.  Bigla syang bumanat sa akin na “ay peke yan”.  Agad akong napaisip.  Lahat ba ng mura ay peke? at lahat ng mabibili mo sa mall ay orig?

Bakit kaya ganun na lamang ang tingin ng karamihan sa atin sa mga bagay na mura mong nabibili? 

Meron pa nga tayong naririnig (madalas):  “Lokal lang itong gamit ko e..” o kaya naman  ” Pag branded kasi mas matibay.”.

 

Ganoon ba talaga ang epekto ng komersyalismo sa atin?  Lahat ba ng gawang lokal at mura mong nabibili ay mababang uri na?  

Nung nakaraan nga, bumili ako ng sapatos sa mall.  Yung mura lang ang binili ko at sa isang hindi gaanong sikat na brand.  Pagpasok ko kinabukasan sa opisina suot ang aking bagong sapatos, may pumuna sa akin, ” Bagong sapatos a! Pero gawang Marikina lang yan e”.  Aray sakit naman nun!  napaisip tuloy ulit ako  at sinabi na lamang na “Bakit yang ibang branded na sapatos naman e may pagawaan din sa Marikina a.” at sabay dugtong na “ang nagpapamahal lang naman sa branded na gamit e ang pangalan at dahil sa mall ibinebenta.”  

Napakasakit isipin na masyado na palang mababa ang tingin ng iba sa mga gawang lokal.  Teka ano ba ang masmatibay, lokal o gawang china?  Kung tutuusin mas matibay pa nga ang gawa sa Pinas kaysa sa gawang china.   Bakit yang mga sapatos na suot nyo ang hindi nyo alam yung iba dyan e galing din sa China pero branded lang.

 

Kaya, ang kaisipan ko ngayon ay:

 1.  hindi lahat ng mura ay mababang uri

2.  Hindi porke’t lokal ay madaling masira

3.  Hindi lahat ng nabibili sa mall ay orig at matibay.

Posted by bookthoughts at 8:25 am | permalink

Previous Comments

Hey, appreciate it for taking the effort to do this. I like your webpage, although it took a sluggish reader like me some time to via throughout entire page and the many comments.

Posted by coach7store at April 26, 2011, 3:50 pm

Add a comment








     

March 2010
M T W T F S S
« Nov    
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Thoughts about me

My very first Post was more of a current-event issue.  But since blogging about politics and current-events doesnt fit to what my blog title is, i will just focus on literature, humor, kaisipan and the likes..  I have created another blog for my point of view regarding politics and current issues our country is facing..

I dont blog regularly but i will strive my best to post even just once a month.

Book Thoughts...

Pisara ng mga Mensahe

Tom:

Hi! Welcome to i.ph!

support:

Congratulations, you’ve just completed the installation of this shoutbox.

support:

Hi! Your shoutbox is working fine!

Leave a message ▼